akala ko tapos na..
akala ko, ako nalang talaga, hindi
pala..
naniwala ako na ako nalang, na wala na
siyang iba, na hindi niya na yun uulitin pa..mali na naman pala ko..
mahirap talagang baguhin yung ugali ng
isang tao, siguro nga nature na un.. na kahit anong sakripisyo mo, kahit anong
alaga mo, kahit anong pagpapasensya mo, kahit anong pagmamahal mo, napakadali
ka niyang kalimutan, ipagpalit..
Minsan, isang eksplanasyon lang ung
kailangan para maayos lahat, pero sorry,un ung isang bagay na hindi mo ginawa..
Paano pa ulit ako magtitiwala? Nung
una mo tong ginawa, pinatawad kita kasi umamin ka, inassure mo ko na ako nalang
talaga..
Pinalampas ko ung madaming pagkakataon
na madami akong nabasa, kasi ilang buwan na din yung nakalipas.. maraming
babae, hindi lang isa, dalawa, madami sila, at mukhang magdadagdag ka pa..
Sakto nga no? nakabasa ako ng most
recent at pinamukha ko pa sayo.. at sorry lang nasabi mo..
Sabihin mo nga, paano pa ko ulit
magtitiwala kung paulit ulit mong ginagawa?
Ayaw mo kong mawala pero ikaw na ung
gumagawa ng dahilan para iwan kita..
Napapagod din ako dean, napapagod din
akong magpatawad at magpasensya sa ugali mo.
Kaya sorry, sobrang pagiisipan ko ung
desisyon ko kung gusto ko pang ituloy to..
Ikaw, pagisipan mo din kasi marami ka
namang pedeng ipalit sakin..marami pa namang "MAS" kesa sakin..
Hindi ko kasi alam kung ano ung naging
pagkukulang ko, hindi ko alam kung sumobra ba ko.
isang tanong lang:
bakit mo ginawa?
PS.
bigyan mo ko ng dahilan/mga dahilan
kung bakit pa natin itutuloy to.



No comments:
Post a Comment