26Jan2015, 12:44AM
Dear Dodong,
Paano kapag ako na ung lumayo? Paano kapag ako na ung unang sumuko?
Hahabulin mo kaya ako? Magmamakaawa kabang bumalik ako sayo? O hahayaan mo nalang akong tuluyang lumayo?
Sabi ko noon, hindi ako susuko hangga't ikaw mismo nagsabi sakin na 'Tama na, itigil na natin 'to Keng'. Pero habang tumatagal, habang hinahayaan kita sa lahat ng gusto mong gawin, na in the first place wala akong karapatang kumontra, mas lalo akong nahihirapan. Mas tumatagal, mas masakit.
Isang araw kang hindi nagparamdam dahil kasama mo sila, naiintindihan ko 'yun, sobra. Pero palagi nalang bang ganito? Yung tipong wala akong balita sayo sa mga oras na wala ka sa bahay niyo? Ayokong magdemand kasi alam kong wala akong karapatan, kasi alam ko naman na hindi ako yung priority mo, ni hindi ko nga alam lugar ko sa buhay mo e, ni hindi ko alam kung ano ko sayo.
Minsan sa sobrang sakit, nagsisisi ako kung bakit pa ako pumasok sa ganitong sitwasyon, na sana ibang tao nalang 'yung nagcomfort sakin sa mga panahong kailangan ko ng kausap, na sana yung taong hindi ako mamahalin at yung tao sanang hindi ko mamahalin. Na sana hinayaan nalang akong mag-isang magdusa at hindi na pinilit pang pangitiin ako at kalimutan ang problema ko. Sana ibang tao nalang o sana wala nalang talaga. Kakayanin ko naman e. Bakit kasi dumating ka pa? Mas masakit tuloy.
Ngayon tuloy, halos gabi gabi akong umiiyak. Kapag hindi kita kausap o 'pag alam kong kasama mo siya. Sobrang sakit nun.
Sa ngayon, inaalam ko ang halaga ko sayo, yung tunay na halaga ko sayo. Hindi ako nagtext, hindi ko din sinasagot yung mga tawag mo. Nakakuha lang ako sayo ng dalawang text at limang miskol. Sapat na siguro yun ngayong araw. Binigyan ko ang sarili ko ng palugit hanggang bukas. Sana tawagan mo ko ulit kasi gusto talaga kitang makausap, kaso ilang oras lang kasi yun. Tapos matutulog ka na, tapos tatawagan ulit kita ng 10.30PM para gisingin. Ganun nalang ba tayo parati? Ganun nalang ba ang papel ko sa buhay mo?
Sabi mo noon, hindi mo ko option. Sabi mo din na wala kang assurance kung gaano ako katagal maghihintay sayo, pero sinigurado mo na hindi masasayang lahat ng pag-iintindi ko sayo. Pero, bakit ganito? Bakit ganito yung nararamdaman ko na wala akong pag-asa sayo? Na walang mapupuntahan 'tong relasyon na to?
Aalis ka sabi mo in few months, paano na tayo? Minsan naiisip ko na ding umalis ng bansa para makalimutan ka. Ang hirap na kasi talaga.
Sabi ko, 'pag umabot kayo ng limang taon, ayoko na. Tapos magbabakasyon pa kayo. 3 days and 2 nights. Sana kayanin ko no? Minsan nga iniisip ko, sana mamatay muna ko ng 3 araw tapos mabuhay nalang ulit para hindi ko na maramdaman ung sakit. Sana din kayanin kong hindi buksan ung Facebook ko nun, kasi panigurado, madaming magpopost tungkol sa bakasyon niyo.
Kumusta na nga ba yung plano nating Quezon? December pa yun ah. Until now, hindi pa din natin napag-uusapan. Uunahan niyo pa kong mag-out of town.
Kapag kasi pinakawalan kita, parang pinaubaya na kita sa kanya. Sa totoo lang? para kasi akong nakikipagkumpitesyon sa kanya e. Gusto ko ako lagi ang lamang, pero sa totoo, ako naman yung laging talo at kulang. Ikaw kasi nauna e. College palang ata ako nung nagkakilala kayo. Sino ba naman kasi akong nakikihati sa atensyon ng boyfriend mo? Nakikihati sa pagmamahal niya? Nakikihati sa oras niya?
AYOKO NG MAKIHATI. Gusto ko ako naman 'yung priority. Gusto ako lang 'yung nag-iisa.
Panigurado, bukas, kapag nagdesisyon akong kausapin ka, eto na naman ako: Magiging masaya, magiging maligaya, mas mamahalin ka, at magdedecide na naman ako na ayaw kitang mawala sa buhay ko.
Feeling ko, masasaktan mo na naman ako. Baka kasi pumunta ka na naman sa kanila ngayong linggo.
Paano kaya kayo maghihiwalay 'no? Kung parang napakatibay niyo. Andami niyong planong lakad.
Pusang gala naman oh!! Bakit pa kasi kita inentertain. Alam ko namang may girlfriend ka, nakipaglandian pa ko sayo. Ayan tuloy, minahal kita.
Ansakit mong mahalin. Sobrang sakit.
Kung hindi lang sana ako nagkulang kay Dean, sana hindi nabawasan pagmamahal niya sakin. Sana kami pa, at sana, hindi ako nanggugulo sa isang matagal ng relasyon. Na sana, hindi ako nasasaktan ngayon ng ikaw ang dahilan.
Sana nga lang talaga, walang masayang sa lahat ng 'to. Sana lang talaga....
Nagmamahal at nag-aantay,
Inday
26Jan2015, 1:27AM
PS. Sana, sa susunod na mabasa ko to, either nagkatuluyan tayo, o sana, tatawanan ko nalang 'to. hahahaha
No comments:
Post a Comment